Thursday, May 29, 2008

Ang Manggagawa at ang Mensahe ng World Environment Day!

Sa darating na Huwebes, June 5 ay World Environment Day (WED) na naman. Ang buong buwan ng Hunyo ay World Environment Month! Taon taon itong ginugunita ng buong mundo bilang paalala sa atin na ang kalikasan at ekonomiya ay magka-ugnay at di hiwalay!

Pero ano ba ito? Ano ang kinalaman ng manggagawang Pilipino dito? Ang logo sa kaliwa ay nagpapakita ng tema ng 2008 na WED commemoration. Simplehan natin para mas malalim at naiintidihan.

Marami pa din ang di nakakaalam o ayaw maniwala na may malaking kasalukuyang crisis sa buhay ng boung mundo (kasama na ang mga komunidad ng tao) na nagsisimula ng baguhin at pasamain ang ating pamumuhay. Ito ay ang biglang pagbabago ng klima na dulot ng biglang pag init ng mundo. Ito ang CLIMATE CHANGE at GLOBAL WARMING. Sa maniwala kayo't hindi mas matinding krisis ito kaysa sa krisis ng ating gobyerno o krisis ng ating mga suweldo!

Ang bugang carbon mula sa mga pabrika, mga sasakyan, taniman; lalong lalo na mula sa mga ekonomiya at lifetyles ng mga tao sa mga nauang industriyalisadong mga bansa and dahilan sa biglaang global warming o pag-init ng mundo.

Ang biglaang pag-init na ito ng mundo ay nagpapabago sa normal na kaayusan ng ating klima at iba pang weather patterns. Ito ay may matinding epekto sa food production; paglala ng mga sakit; pagtaas ng tubog sa dagat mula sa mga natutunaw na yelo sa mundo na maglulubog sa mga isla at maraming coastal communities.

Ang mga manggawa; kasama na ang mga mangagawang Pilipino bilang labor at intellectual force ng ating eokomiya at bilang mga consumer din na may desisyon sa pagtnagkilik ng mga partikular na uri ng mga produkto at servisyo ay malaki and magagawa upang labanan ang masamang epekto ng climate change.

Mensahe ng WED sa taon na ito ang kahalagahan ng pagpili nating lahat sa mga gawaing pang ekonomiko at uri ng pamumuhay (lifestyle options) na simple at iwas pagdagdag sa napakarami ng carbon emission na patuloy na nagpapalala ng global warmign at climate change.

Mahalag ding pagnilaynilayan na turo ng kristiyanismo na tingnan ang lakas paggawa bilang bahagi ng ating papel bilang taga pangalaga o steward ng ginawa ng Diyos (steward of creation o co-creator.

0 comments: